Muli po akong bumabalik sa Litratong Pinoy mula sa ilang buwang pagkawala.
Ang litrato sa itaas ay kuha sa bayan ng Kep sa Cambodia noong taong 2006 habang kami ng aking asawa ay papaakyat, patungo sa aming inuupahang. Tumira kami sa bayang ito ng halos limang buwan dahil sa aking trabaho. Kuha ito pasado alas singko ng hapon, ilang minuto bago pa lumubog ang haring araw. Nasa likuran namin ang araw, at, kung inyong mapapansin ang aming anino, ito’y pahaba na para bang kami’y mga matatangkad at payat. Sa tingin ko, dahil dito, nagsilbing panturo (pointer) ng direksyon ang anino namin patungo sa luntiang burol.
The photo above was taken in Kep town, Cambodia in September 2006, while my husband and I were walking up to our hillside guesthouse. We lived there for almost 5months because of my work. It was past 5pm and the sun was minutes away from setting. While we were walking, I noticed our shadows. The sun was behind us that our shadows were elongated, making us look taller and skinnier. Our shadows, it seems, is pointing us to the direction of the lush hills.
Follow Us!