Litratong Pinoy

>Litratong Pinoy #011 and 012: Kompyuter Ko, Luma Na

Posted by on Oct 9, 2008 in Cambodia, Cambodia life, Kep, Litratong Pinoy, people, rural, travel, work | 0 comments

>

Ito ang aking kompyuter na 4 na taon na akong pinagseserbisyuhan. Minabuti kong ito ang isali para sa linggong ito at sa nakaarang lingo dahil, sa aking palagay, ay angkop sa dalawang tema – kompyuter at luma na – dahil ang kompyuter ko ay luma na!

kompyuterko

Nuong 2006, ako ay nag-umpisang magtrabaho sa isang rural ICT (Information and Communications Technology) project dito sa Cambodia, na ang layunin ay ilapit sa mga magsasaka at mangingisda ang sari-saring teknolohiya ng ICT at bumuo ng isang community-owned ICT enterprises sa rural areas upang mapa-unlad ang kani-kanilang pamumuhay dahil dito.

Ito ay kasalukuyang ipinapatupad sa dalawang komunidad sa Cambodia. Ako ay pansamantalang tumira sa lalawigan ng Kep kung saan ang proyekto ay ipainapatupad. Ang kompyuter na ito ang aking gamit sa pag-iikot sa labing-isang baryo habang hinihintay ko ang kompyuter na galling sa opisina. Sa maniwala kayo o hindi, ito ang kauna-unahang kompyuter na nakita, at nahawakan, ng mga tao duon. Kung inyong mapapansin sa mga litrato sa ibaba na halos matatanda lahat ang dumalo sa aking pagbibigay ng orientation o pagpapakilala sa mga tao kung ano ang kompyuter at ang mga bagay na nagagawa gamit nito. Hindi ibig sabihin na hindi interesado ang mga kabataan sa kompyuter. Nagkataon lang na aming unang inimbitahan ang mga mey khum at mey sangkat, mga village at commune leaders, na siyang unang hakbang na ginawa namin upang mas madali ang pagtanggap ng mga tao sa aming proyekto.

kompyuterorientation2

kompyuterorientation

Sa simula ay takot silang hawakan ang kompyuter sa kadahilanang ito ay sasabog o masira. Subalit ng ito’y kanilang mahawakan at masubukan ang iba’t-ibang features ng computer, lahat silay natuwa na parang mga bata na may bagong laruan.

Pahabol:

Ang mga sumusunod na litrato naman ay kuha isang taon ang makalipas kung saan 4 na e-community centers ang aming naitayo. Ang e-community ay parang isang conventional na tele-center, konektado sa satellite, gamit ang solar power para sa internet at VoIP calls. Makikita sa mga litrato ang tuwa at saya, di lang ng mga bata kundi pati na ng mga matatanda, lalo na’t nakakatawag at natatawagan na sila ng kanilang mga kamag-anak sa Phnom Penh at sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

telecenter2

telecenter1

Share in top social networks!
Read More

>Litratong Pinoy #010: Ayaw Ko (I don’t like)

Posted by on Aug 28, 2008 in Cambodia, Cambodia life, culture, food, Khmerism, Litratong Pinoy, sights | 0 comments

>

Kelangan pa bang sabihin kung bakit ayaw ko nito?

bugs copy

Eto, close up view:

fried crickets

Malutong. Maanghang. Malinamnam.
Paborito itong papakin ng mga Khmer. Parang popcorn. Just pop one in your mouth – sharaaaap!
No sir, not me.

Kayo, gusto niyo?

Share in top social networks!
Read More

>Litratong Pinoy #009 : Mithi (Wish)

Posted by on Aug 22, 2008 in Around the World, Himalayan range, Litratong Pinoy, Mt. Everest, Nepal, sights, travel, work | 0 comments

>

Sa uulitin, nais ko pong ihabol ang aking litrato para sa linggong ito. Ang tema ngayong linggo ay mithi, o wish, sa wikang Filipino. Kaya naman ito po ang aking naisipang isali:

himalayan range4

Bata pa ako ay talagang pinangarap ko nang makita ng malapitan ang Mt. Everest na siyang tinaguriang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Kung hindi naman ito posible ay kahit na lamang sa paanan nito. Natupad naman ang minimithi kong ito nuong nakaraang Disyembre nang ako ay pumunta ng Nepal para sa isang conference. Hindi man ako nakasama sa mga duon sa chartered flight papuntang tuktok mismo, nakita ko naman ito mula sa bintana ng eroplanong sinakyan ko pauwi. Tulad ng Mayon Volcano, hindi basta-basta nagpapakita ang Mt. Everest, kaya dyan sa litrato ang tuktok nito ay nakabalot sa ulap. Sayang, ano po?

Pero teka, yan nga ba ang Mt. Everest? Kayo na po ang humusga dahil ako man ay nalilito kung alin dyan ang bundok na pakay ko *lol*

Sana sa susunod, makapunta naman ako sa Bhutan, Tibet at Mongolia. Iyan ang mga pinapangarap kong puntahang mga bansa dito sa Asya.

Share in top social networks!
Read More

>Litratong Pinoy #8: Ang Mahiwagang Takip-silim sa Dalampasigan ng Kep

Posted by on Jul 31, 2008 in Cambodia, Cambodia life, Kep, Khmerism, Litratong Pinoy, rural, sights, sunsets | 0 comments

>

Paumanhin po at late na naman ako ngayong Huwebes. Nag-i-inarte na naman kaya ang internet connection dito sa amin.

Noong 2006, ako po ay tumira sa bayan ng Kep, 178kms ang layo mula sa syudad ng Phnom Penh. Dito, kasama ng aking asawa at alagang aso, kami ay nanirahan ng mahigit sa apat na buwan.

Ang mga sumusunod ay kuha sa dalampasigan ng Kep. Para sa akin, dito na yata matatagpuan ang pinaka-magandang takip-silim sa buong Cambodia.

Kep sunset from Vanna's
Ito ang matatanaw mula sa kwartong inuupahan namin noon. Ang islang nasa background ay tinatawag na Phu Quoc at pag-aari na ng bansang Vietnam. Subalit ang mumunting isla sa gawing kaliwa ay pag-aari pa ng Cambodia at ito ay binansagan naming population one island dahil sa iisa lang po ang nakatira diyan at ito ay ang pulis na nagbabantay dito.

fishing boat
Kapag kami ay bababa patungong Psah Khdam (crab market), ito naman ang aming nakikita. Mga bangkang naghahanda sa muling pagpunta sa laot upang manghuli ng isda, alimango, pusit, atbp.

old pier
Ang mga nakausling kahoy na ito ay palatandaan na dito nakalagak ang lumang pier. Dahil sa kalumaan, nasira ito ng magkaroon ng masungit na panahon sa Kep. Dahil sa kakulangan (o kawalan) ng pondo ng pamahalaang lokal, hindi na ito nakumpuni pa.

harvesting crabs
Ang mga babae namang ito ang siyang naglilinis ng mga lalagyan ng kanilang huli. Ang iba riyan ay puno pa ng mga alimango at pusit na naghihintay na ibenta kinabukasan.

pepper squid
Ito naman ang mga sariwang pusit na galing sa itaas na larawan, niluto at naging masarap na pananghalian.

Share in top social networks!
Read More

>Litratong Pinoy #7: Kanluran (West)

Posted by on Jul 24, 2008 in Around the World, Litratong Pinoy, milestones, Rob's Cycling Trip, sights, travel | 0 comments

>

Ang mga sumusunod na litrato ay kuha ng aking asawa habang tinatahak niya ang daan ng Camino de Santiago, mula sa kanyang bayan sa Inglatera patungong Pransiya, Espanya, at Portugal – mga bansang nasa kanlurang bahagi ng Europa. Sa pahintulot niya, ito ang aking ibabahagi ngayong linggo dito sa Litratong Pinoy:

The following pictures were taken by my husband when he did the Camino de Santiago pilgrimage on bicycle. He started from his hometown in England crossing the English Channel to France, Spain and Portugal – countries that comprise Western Europe. With his permission, I am sharing these pictures for this week’s Litratong Pinoy:

Lescun
Lescun, Southern France

Canfranc
Cenfranc, just over the Pyreenes and into Spain

caminon120
The Camino de Santiago de Compostelle, here alongside the N120 near Astorga, Northern Spain

Into20Portugal
Salvatierra de Minho, Spanish and Portuguese border

Fatima
Fatima, Portugal

gib
Gibraltar

Sa susunod na taon ay inaasahan naming gawin muli ito subalit imbes na bisikleta ay maglalakad kami.
Next year, we are hoping to do the Camino pilgrimage together, this time, on foot.
You can visit my husband’s blog chronicling his cycling tour of western Europe.

Share in top social networks!
Read More

>Litratong Pinoy #5 – Hangin (Wind)

Posted by on May 29, 2008 in Around the World, Japan, Litratong Pinoy, sights, travel | 0 comments

>

windchimes from Japan
Windchimes from Japan

Ito ay mga wind chimes na gawa sa Japan. Isa ito sa mga karaniwang palamuti hindi lang sa mga temples kundi pati na rin sa mga kabahayan doon. Bakit kaya mahilig sa wind chimes ang mga Hapon? Tinanong ko ang aking kaibigang si Kanako-san at sabi niya, ang mga chimes daw ay naghahatid ng good luck sa mga nakarinig sa kaaya-ayang tunog na nagmumula dito.

Ayon sa isang article sa internet, ang mga Hapon ay in tune sa sounds o tunog, at sila rin ay sinasabing may koneksyon sa hangin na nakapalibot sa kanila. Sinasabi pa sa article na ito na ang dalawang elementong ito ay pinagsasama ng wind chimes. Ang hangin o ang ihip ng hangin ang siyang nagbibigay ng tunog dito. Kaya naman tuwing sasapit ang summer o tag-init sa kanila, isang paraan na nakapagbibigay ng ginhawa sa kanilang pakiramdam ay ang pakikinig sa kaaya-ayang tunog ng wind chimes.

Translation:
These are wind chimes from Japan. I took this photo two years ago when I was in the Asakusa area of Tokyo. Everywhere I went, from the city to the rural town of Kiyosato, I noticed wind chimes in various shapes and sizes. Wind chimes are a common sight not only on the four walls of temples in Japan but also in Japanese homes. I asked my friend Kanako-san to explain to me their fascination on chimes. According to her, chimes bring good luck to anyone who hears the sound it makes and are protected from misfortune.

In an article from the internet, it was said that the Japanese are in tune with the sounds around them, and, they are also connected with the wind. The wind chimes bring these two traits together by taking the wind and creating sound with it. No wonder the Japanese finds it relaxing to hear the pleasant, soft sounds of a wind chime to beat the heat of summer.

Share in top social networks!
Read More