Ito ang Cambodian wat o temple.
Kung nais na makitang mabuti ang detalye, paki-click ang litrato. Kung titingnan ninyo ng maigi, kapansin-pansin ang tatsulok na hugis ng roof o bubong nito. Ito ay karaniwang disenyo ng mga Buddhist wats dito sa Indochina, na kinabibilangan ng mga bansang Thailand, Burma, Laos at Cambodia. Ang litratong ito ay kuha malapit sa Oudong, may humigit-kumulang na 50kilometro ang layo mula sa capital ng Phnom Penh. Ang Oudong ang sinaunang capital ng bansang Cambodia, at dito matatagpuan ang iba’t-ibang maka-lumang stupa kung saan nakalagak ang mga labi ng mga namatay ng miyembro ng Royal family ng Cambodia.
Follow Us!