Ito ang Boeung Tonle Sap, o Great Lake, na matatagpuan dito sa Cambodia. Kung titingnan ninyo ang mapa ng Cambodia, ito ay napaka-prominenteng yamang tubig sa Cambodia at napapaligiran nito ang limang probinsya. Ang Tonle Sap ay itinuturing na isa sa mga pinakamalaking freshwater lake sa Asya, at, noong taong 1997, dahil ito ay isang ecological hotspot, idineklara itong biosphere na protektado ng UNESCO.
*Map from Wikipedia.
Kung tayong mga Pinoy ay tinanong kung ilang isla mayroon ang Pilipinas, binabalik natin ang tanong kung ito ba ay base sa high tide o low tide. Dito sa Cambodia, kung ako’y inyong tatanungin kung gaano kalaki ang lawang ito, tatanungin ko rin kayo ng “dry season o wet season“? Bakit kamo? Dahil ang Tonle Sap Lake ay may sukat na 2,500km2 at may lalim na isang metro lamang kung dry season. Subalit, kapag panahon ng tag-ulan o wet season naman, ang Tonle Sap ay lumalaki. Dahil sa tinatawag na reversal flow ng Mekong river na kung saan konektado ang Tonle Sap, lumulobo ang Tonle Sap, humigit-kumulang sa 16,000km2 at may lalim na umaabot ng 9m. Ang tubig galing sa Mekong ay tumutulak pabalik patungo sa Tonle Sap at umaapaw sa mga taniman ng palay at forests, tulad ng litrato sa ibaba:
Isa itong unique hydrological phenomenon sa Cambodia. Dahil dito, ganito ang itsura ng karamihan sa mga villages na nakapalibot o malapit sa Tonle Sap:
Ang litratong ito ay kuha sa Prek Toal sa Siem Reap noong nakaraang mga taon. Nagkataong rainy season ang pagbisita namin sa Prek Toal kung kaya’t inyong nakikita ay isang floating village. Kung dry season naman ang mga bahay na ito ay nakaupo sa mga mala-higanteng stilts. At kahit na taun-taon na sila’y napapaligiran ng tubig-baha, tuloy pa rin ang buhay para sa mga Cambodians…
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa Tonle Sap lake, maraming online resources ukol dito, tulad na lamang dito.
Follow Us!