Posts made in May, 2008

>Litratong Pinoy #5 – Hangin (Wind)

Posted by on May 29, 2008 in Around the World, Japan, Litratong Pinoy, sights, travel | 0 comments

>

windchimes from Japan
Windchimes from Japan

Ito ay mga wind chimes na gawa sa Japan. Isa ito sa mga karaniwang palamuti hindi lang sa mga temples kundi pati na rin sa mga kabahayan doon. Bakit kaya mahilig sa wind chimes ang mga Hapon? Tinanong ko ang aking kaibigang si Kanako-san at sabi niya, ang mga chimes daw ay naghahatid ng good luck sa mga nakarinig sa kaaya-ayang tunog na nagmumula dito.

Ayon sa isang article sa internet, ang mga Hapon ay in tune sa sounds o tunog, at sila rin ay sinasabing may koneksyon sa hangin na nakapalibot sa kanila. Sinasabi pa sa article na ito na ang dalawang elementong ito ay pinagsasama ng wind chimes. Ang hangin o ang ihip ng hangin ang siyang nagbibigay ng tunog dito. Kaya naman tuwing sasapit ang summer o tag-init sa kanila, isang paraan na nakapagbibigay ng ginhawa sa kanilang pakiramdam ay ang pakikinig sa kaaya-ayang tunog ng wind chimes.

Translation:
These are wind chimes from Japan. I took this photo two years ago when I was in the Asakusa area of Tokyo. Everywhere I went, from the city to the rural town of Kiyosato, I noticed wind chimes in various shapes and sizes. Wind chimes are a common sight not only on the four walls of temples in Japan but also in Japanese homes. I asked my friend Kanako-san to explain to me their fascination on chimes. According to her, chimes bring good luck to anyone who hears the sound it makes and are protected from misfortune.

In an article from the internet, it was said that the Japanese are in tune with the sounds around them, and, they are also connected with the wind. The wind chimes bring these two traits together by taking the wind and creating sound with it. No wonder the Japanese finds it relaxing to hear the pleasant, soft sounds of a wind chime to beat the heat of summer.

Share in top social networks!
Read More

>Wordless Wednesday #39: Headless Chicken?

Posted by on May 28, 2008 in Cambodia life, food, Wordless Wednesday | 0 comments

>chicken samosa

Had lunch at Flavors of India, along the corner of Sihanouk Blvd and St. 63, two weeks ago.
Mouthwatering chicken samosa – highly recommended.

Share in top social networks!
Read More

>Litratong Pinoy #4: Tubig (Water)

Posted by on May 22, 2008 in Cambodia, Cambodia life, culture, Litratong Pinoy, rural, sights, Tonle Sap | 0 comments

>

Ito ang Boeung Tonle Sap, o Great Lake, na matatagpuan dito sa Cambodia. Kung titingnan ninyo ang mapa ng Cambodia, ito ay napaka-prominenteng yamang tubig sa Cambodia at napapaligiran nito ang limang probinsya. Ang Tonle Sap ay itinuturing na isa sa mga pinakamalaking freshwater lake sa Asya, at, noong taong 1997, dahil ito ay isang ecological hotspot, idineklara itong biosphere na protektado ng UNESCO.


*Map from Wikipedia.

Kung tayong mga Pinoy ay tinanong kung ilang isla mayroon ang Pilipinas, binabalik natin ang tanong kung ito ba ay base sa high tide o low tide. Dito sa Cambodia, kung ako’y inyong tatanungin kung gaano kalaki ang lawang ito, tatanungin ko rin kayo ng “dry season o wet season“? Bakit kamo? Dahil ang Tonle Sap Lake ay may sukat na 2,500km2 at may lalim na isang metro lamang kung dry season. Subalit, kapag panahon ng tag-ulan o wet season naman, ang Tonle Sap ay lumalaki. Dahil sa tinatawag na reversal flow ng Mekong river na kung saan konektado ang Tonle Sap, lumulobo ang Tonle Sap, humigit-kumulang sa 16,000km2 at may lalim na umaabot ng 9m. Ang tubig galing sa Mekong ay tumutulak pabalik patungo sa Tonle Sap at umaapaw sa mga taniman ng palay at forests, tulad ng litrato sa ibaba:

hidden kingdom copy

Isa itong unique hydrological phenomenon sa Cambodia. Dahil dito, ganito ang itsura ng karamihan sa mga villages na nakapalibot o malapit sa Tonle Sap:

Floating Village, Prek Toal copy

Ang litratong ito ay kuha sa Prek Toal sa Siem Reap noong nakaraang mga taon. Nagkataong rainy season ang pagbisita namin sa Prek Toal kung kaya’t inyong nakikita ay isang floating village. Kung dry season naman ang mga bahay na ito ay nakaupo sa mga mala-higanteng stilts. At kahit na taun-taon na sila’y napapaligiran ng tubig-baha, tuloy pa rin ang buhay para sa mga Cambodians…

lake of serenity

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa Tonle Sap lake, maraming online resources ukol dito, tulad na lamang dito.

Share in top social networks!
Read More

>Photo Hunt #22: Candy

Posted by on May 18, 2008 in Everything Pinoy, food, Photo Hunt, sweets | 0 comments

>

ampao
Photo borrowed from my other blog.

This is my favorite childhood treat, ampao, or rice crispies, in the Philippines. When I was a kid in the province, we seldom eat chocolates (they are expensive). Chocolates and other candies were a rare treat, and we usually had them only on Christmas, birthdays and other special occassions. Rice crispies, however,were our everyday treat. They are sweet and crunchy, sometimes sprinkled with peanuts and most of all, very affordable. It is rectangular in shape and because it is quite thick, one has to open its mouth wider than usual to have a bite of it.

Share in top social networks!
Read More

>Litratong Pinoy #3: Nag-aapoy (Fiery)

Posted by on May 15, 2008 in Cambodia, Cambodia life, culture, Litratong Pinoy, rural, sights, sunsets | 0 comments

>

raging sun
Sunset over the Gulf of Thailand
Kep, Kingdom of Cambodia

Ang nag-aapoy na Haring Araw, ito ang napili kong litrato na sa tingin ko ay angkop sa tema natin ngayong linggo. Kuha ito sa bayan ng Kep kung saan ako ay naka-base sa loob ng apat na buwan noong taong 2007. Ang Kep ay napapaligiran ng Gulf of Thailand, at sa aking opinyon, ito ay may pinakamagandang sunset sa buong Cambodia. Kung inyong pagmamasdang mabuti, naglalagablab pa rin ang araw sa kabila ng unti-unting pagdilim ng kalangitan, na para bang pinaglalabanan ang pagsaklob ng dilim sa sanlibutan.

Share in top social networks!
Read More