>Litratong Pinoy #8: Ang Mahiwagang Takip-silim sa Dalampasigan ng Kep

Posted by on Jul 31, 2008 in Cambodia, Cambodia life, Kep, Khmerism, Litratong Pinoy, rural, sights, sunsets | 0 comments

>

Paumanhin po at late na naman ako ngayong Huwebes. Nag-i-inarte na naman kaya ang internet connection dito sa amin.

Noong 2006, ako po ay tumira sa bayan ng Kep, 178kms ang layo mula sa syudad ng Phnom Penh. Dito, kasama ng aking asawa at alagang aso, kami ay nanirahan ng mahigit sa apat na buwan.

Ang mga sumusunod ay kuha sa dalampasigan ng Kep. Para sa akin, dito na yata matatagpuan ang pinaka-magandang takip-silim sa buong Cambodia.

Kep sunset from Vanna's
Ito ang matatanaw mula sa kwartong inuupahan namin noon. Ang islang nasa background ay tinatawag na Phu Quoc at pag-aari na ng bansang Vietnam. Subalit ang mumunting isla sa gawing kaliwa ay pag-aari pa ng Cambodia at ito ay binansagan naming population one island dahil sa iisa lang po ang nakatira diyan at ito ay ang pulis na nagbabantay dito.

fishing boat
Kapag kami ay bababa patungong Psah Khdam (crab market), ito naman ang aming nakikita. Mga bangkang naghahanda sa muling pagpunta sa laot upang manghuli ng isda, alimango, pusit, atbp.

old pier
Ang mga nakausling kahoy na ito ay palatandaan na dito nakalagak ang lumang pier. Dahil sa kalumaan, nasira ito ng magkaroon ng masungit na panahon sa Kep. Dahil sa kakulangan (o kawalan) ng pondo ng pamahalaang lokal, hindi na ito nakumpuni pa.

harvesting crabs
Ang mga babae namang ito ang siyang naglilinis ng mga lalagyan ng kanilang huli. Ang iba riyan ay puno pa ng mga alimango at pusit na naghihintay na ibenta kinabukasan.

pepper squid
Ito naman ang mga sariwang pusit na galing sa itaas na larawan, niluto at naging masarap na pananghalian.

Share in top social networks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *