Mt. Everest

>Litratong Pinoy #009 : Mithi (Wish)

Posted by on Aug 22, 2008 in Around the World, Himalayan range, Litratong Pinoy, Mt. Everest, Nepal, sights, travel, work | 0 comments

>

Sa uulitin, nais ko pong ihabol ang aking litrato para sa linggong ito. Ang tema ngayong linggo ay mithi, o wish, sa wikang Filipino. Kaya naman ito po ang aking naisipang isali:

himalayan range4

Bata pa ako ay talagang pinangarap ko nang makita ng malapitan ang Mt. Everest na siyang tinaguriang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Kung hindi naman ito posible ay kahit na lamang sa paanan nito. Natupad naman ang minimithi kong ito nuong nakaraang Disyembre nang ako ay pumunta ng Nepal para sa isang conference. Hindi man ako nakasama sa mga duon sa chartered flight papuntang tuktok mismo, nakita ko naman ito mula sa bintana ng eroplanong sinakyan ko pauwi. Tulad ng Mayon Volcano, hindi basta-basta nagpapakita ang Mt. Everest, kaya dyan sa litrato ang tuktok nito ay nakabalot sa ulap. Sayang, ano po?

Pero teka, yan nga ba ang Mt. Everest? Kayo na po ang humusga dahil ako man ay nalilito kung alin dyan ang bundok na pakay ko *lol*

Sana sa susunod, makapunta naman ako sa Bhutan, Tibet at Mongolia. Iyan ang mga pinapangarap kong puntahang mga bansa dito sa Asya.

Share in top social networks!
Read More