Ito ang aking kompyuter na 4 na taon na akong pinagseserbisyuhan. Minabuti kong ito ang isali para sa linggong ito at sa nakaarang lingo dahil, sa aking palagay, ay angkop sa dalawang tema – kompyuter at luma na – dahil ang kompyuter ko ay luma na!
Nuong 2006, ako ay nag-umpisang magtrabaho sa isang rural ICT (Information and Communications Technology) project dito sa Cambodia, na ang layunin ay ilapit sa mga magsasaka at mangingisda ang sari-saring teknolohiya ng ICT at bumuo ng isang community-owned ICT enterprises sa rural areas upang mapa-unlad ang kani-kanilang pamumuhay dahil dito.
Ito ay kasalukuyang ipinapatupad sa dalawang komunidad sa Cambodia. Ako ay pansamantalang tumira sa lalawigan ng Kep kung saan ang proyekto ay ipainapatupad. Ang kompyuter na ito ang aking gamit sa pag-iikot sa labing-isang baryo habang hinihintay ko ang kompyuter na galling sa opisina. Sa maniwala kayo o hindi, ito ang kauna-unahang kompyuter na nakita, at nahawakan, ng mga tao duon. Kung inyong mapapansin sa mga litrato sa ibaba na halos matatanda lahat ang dumalo sa aking pagbibigay ng orientation o pagpapakilala sa mga tao kung ano ang kompyuter at ang mga bagay na nagagawa gamit nito. Hindi ibig sabihin na hindi interesado ang mga kabataan sa kompyuter. Nagkataon lang na aming unang inimbitahan ang mga mey khum at mey sangkat, mga village at commune leaders, na siyang unang hakbang na ginawa namin upang mas madali ang pagtanggap ng mga tao sa aming proyekto.
Sa simula ay takot silang hawakan ang kompyuter sa kadahilanang ito ay sasabog o masira. Subalit ng ito’y kanilang mahawakan at masubukan ang iba’t-ibang features ng computer, lahat silay natuwa na parang mga bata na may bagong laruan.
Pahabol:
Ang mga sumusunod na litrato naman ay kuha isang taon ang makalipas kung saan 4 na e-community centers ang aming naitayo. Ang e-community ay parang isang conventional na tele-center, konektado sa satellite, gamit ang solar power para sa internet at VoIP calls. Makikita sa mga litrato ang tuwa at saya, di lang ng mga bata kundi pati na ng mga matatanda, lalo na’t nakakatawag at natatawagan na sila ng kanilang mga kamag-anak sa Phnom Penh at sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Follow Us!