Litratong Pinoy

>Litratong Pinoy #4: Tubig (Water)

Posted by on May 22, 2008 in Cambodia, Cambodia life, culture, Litratong Pinoy, rural, sights, Tonle Sap | 0 comments

>

Ito ang Boeung Tonle Sap, o Great Lake, na matatagpuan dito sa Cambodia. Kung titingnan ninyo ang mapa ng Cambodia, ito ay napaka-prominenteng yamang tubig sa Cambodia at napapaligiran nito ang limang probinsya. Ang Tonle Sap ay itinuturing na isa sa mga pinakamalaking freshwater lake sa Asya, at, noong taong 1997, dahil ito ay isang ecological hotspot, idineklara itong biosphere na protektado ng UNESCO.


*Map from Wikipedia.

Kung tayong mga Pinoy ay tinanong kung ilang isla mayroon ang Pilipinas, binabalik natin ang tanong kung ito ba ay base sa high tide o low tide. Dito sa Cambodia, kung ako’y inyong tatanungin kung gaano kalaki ang lawang ito, tatanungin ko rin kayo ng “dry season o wet season“? Bakit kamo? Dahil ang Tonle Sap Lake ay may sukat na 2,500km2 at may lalim na isang metro lamang kung dry season. Subalit, kapag panahon ng tag-ulan o wet season naman, ang Tonle Sap ay lumalaki. Dahil sa tinatawag na reversal flow ng Mekong river na kung saan konektado ang Tonle Sap, lumulobo ang Tonle Sap, humigit-kumulang sa 16,000km2 at may lalim na umaabot ng 9m. Ang tubig galing sa Mekong ay tumutulak pabalik patungo sa Tonle Sap at umaapaw sa mga taniman ng palay at forests, tulad ng litrato sa ibaba:

hidden kingdom copy

Isa itong unique hydrological phenomenon sa Cambodia. Dahil dito, ganito ang itsura ng karamihan sa mga villages na nakapalibot o malapit sa Tonle Sap:

Floating Village, Prek Toal copy

Ang litratong ito ay kuha sa Prek Toal sa Siem Reap noong nakaraang mga taon. Nagkataong rainy season ang pagbisita namin sa Prek Toal kung kaya’t inyong nakikita ay isang floating village. Kung dry season naman ang mga bahay na ito ay nakaupo sa mga mala-higanteng stilts. At kahit na taun-taon na sila’y napapaligiran ng tubig-baha, tuloy pa rin ang buhay para sa mga Cambodians…

lake of serenity

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa Tonle Sap lake, maraming online resources ukol dito, tulad na lamang dito.

Share in top social networks!
Read More

>Litratong Pinoy #3: Nag-aapoy (Fiery)

Posted by on May 15, 2008 in Cambodia, Cambodia life, culture, Litratong Pinoy, rural, sights, sunsets | 0 comments

>

raging sun
Sunset over the Gulf of Thailand
Kep, Kingdom of Cambodia

Ang nag-aapoy na Haring Araw, ito ang napili kong litrato na sa tingin ko ay angkop sa tema natin ngayong linggo. Kuha ito sa bayan ng Kep kung saan ako ay naka-base sa loob ng apat na buwan noong taong 2007. Ang Kep ay napapaligiran ng Gulf of Thailand, at sa aking opinyon, ito ay may pinakamagandang sunset sa buong Cambodia. Kung inyong pagmamasdang mabuti, naglalagablab pa rin ang araw sa kabila ng unti-unting pagdilim ng kalangitan, na para bang pinaglalabanan ang pagsaklob ng dilim sa sanlibutan.

Share in top social networks!
Read More

>Litratong Pinoy #3: Nag-aapoy

Posted by on May 15, 2008 in Cambodia, Cambodia life, Kep, Litratong Pinoy, sights, sunsets | 0 comments

>

raging sun
Sunset over the Gulf of Thailand
Kep, Kingdom of Cambodia

Ang nag-aapoy na Haring Araw, ito ang napili kong litrato na sa tingin ko ay angkop sa tema natin ngayong linggo. Kuha ito sa bayan ng Kep kung saan ako ay naka-base sa loob ng apat na buwan noong taong 2007. Ang Kep ay napapaligiran ng Gulf of Thailand, at sa aking opinyon, ito ay may pinakamagandang sunset sa buong Cambodia. Kung inyong pagmamasdang mabuti, naglalagablab pa rin ang araw sa kabila ng unti-unting pagdilim ng kalangitan, na para bang pinaglalabanan ang pagsaklob ng dilim sa sanlibutan.

Share in top social networks!
Read More

>Litratong Pinoy #2: Tatlo ang Sulok Ko

Posted by on Apr 9, 2008 in buildings, Cambodia, culture, Litratong Pinoy, rural, sights | 0 comments

>

hidden kingdom copy

Ito ang Cambodian wat o temple.
Kung nais na makitang mabuti ang detalye, paki-click ang litrato. Kung titingnan ninyo ng maigi, kapansin-pansin ang tatsulok na hugis ng roof o bubong nito. Ito ay karaniwang disenyo ng mga Buddhist wats dito sa Indochina, na kinabibilangan ng mga bansang Thailand, Burma, Laos at Cambodia. Ang litratong ito ay kuha malapit sa Oudong, may humigit-kumulang na 50kilometro ang layo mula sa capital ng Phnom Penh. Ang Oudong ang sinaunang capital ng bansang Cambodia, at dito matatagpuan ang iba’t-ibang maka-lumang stupa kung saan nakalagak ang mga labi ng mga namatay ng miyembro ng Royal family ng Cambodia.

Share in top social networks!
Read More

>Litratong Pinoy #1: Ako ay Bilog

Posted by on Apr 3, 2008 in Cambodia life, Litratong Pinoy, moto-dups, transportation | 0 comments

>

moto express

Ito ang moto-dop o moto-taxi. Kung ang Pilipinas ay may jeepney, ito namang moto-dop ang sagot ng mga Khmer bilang pangunahing transportasyon dito sa Cambodia. Bata, matanda, lalaki o babae – silang lahat ay nakasakay sa moto-dop papunta sa paaralan, opisina, palengke at kung saan-saan.

Sangkatutak na motodop ang nakaka-kalat dito pa lang sa Phnom Penh, ang kabisera ng Cambodia. Sa dami nila, hindi mahirap maka-ispat ng isa dahil halos lahat ng moto-dop driver ay madaling makita sa suot nilang baseball caps.

Gusto mong mamasyal? Mag-liwaliw at mag-shopping? Walang problema. Isang tawag lang ng moto-dop at sa ilang saglit ay nandun ka na sa iyong paparoonan. Ganun sila kabilis! Kung noon ay di pa kailangan ng crash helmet, ngayon ay ipinatutupad na ng gobyerno ang pagsusuot nito. Ang halaga ng pamasahe ay depende sa distansya ng pupuntahan at kung ilan ang pasahero – karaniwang nagsisimula sa 1000riels hanggang 10,000riels (more or less P10-100). Ang halaga ng pamasahe ay tumataas ng doble o hight pa sa pagsapit ng gabi.

Sa itaas na litrato, pinapakita na hindi lang tao ang sinasakay ng mga moto-dops. Kahit ano, actually, pwede, tulad na lang netong bisikleta….

*oist, ang hirap talagang managalog. Pasensiya na po.

Here’s the English text:

In the Philippines, we have the jeepney. Here in Cambodia, the moto-dop or moto-taxi is the most common means of getting around the city and they’re not that difficult to spot! There are tens of thousands of them in the city, and moto-dop drivers are all wearing baseball caps.

So you want to go sightseeing? Go shopping? No problem. Just hop on a motodop, a 100cc scooter. Before, wearing a crash helmet not required but in the recent weeks the government has just implemented a law requiring everyone to wear helmets when riding on motorcycles. A ride across town will cost around 1,000-10,000riels (P10-100), more, depending on the distance, and if there is more than one passenger. The price goes up a little at night.

Motodops not only ferry people around; it’s also used to transport goods.

Wanna join Litratong Pinoy? Hop on over and join us here.

Share in top social networks!
Read More

>Litratong Pinoy #6: Luntian

Posted by on Jan 17, 2008 in Cambodia, Cambodia life, Kep, Litratong Pinoy, rural, sights, travel | 0 comments

>

Muli po akong bumabalik sa Litratong Pinoy mula sa ilang buwang pagkawala.
our shadow copy

Ang litrato sa itaas ay kuha sa bayan ng Kep sa Cambodia noong taong 2006 habang kami ng aking asawa ay papaakyat, patungo sa aming inuupahang. Tumira kami sa bayang ito ng halos limang buwan dahil sa aking trabaho. Kuha ito pasado alas singko ng hapon, ilang minuto bago pa lumubog ang haring araw. Nasa likuran namin ang araw, at, kung inyong mapapansin ang aming anino, ito’y pahaba na para bang kami’y mga matatangkad at payat. Sa tingin ko, dahil dito, nagsilbing panturo (pointer) ng direksyon ang anino namin patungo sa luntiang burol.

The photo above was taken in Kep town, Cambodia in September 2006, while my husband and I were walking up to our hillside guesthouse. We lived there for almost 5months because of my work. It was past 5pm and the sun was minutes away from setting. While we were walking, I noticed our shadows. The sun was behind us that our shadows were elongated, making us look taller and skinnier. Our shadows, it seems, is pointing us to the direction of the lush hills.

Share in top social networks!
Read More