>Litratong Pinoy #4: Tubig (Water)
Ito ang Boeung Tonle Sap, o Great Lake, na matatagpuan dito sa Cambodia. Kung titingnan ninyo ang mapa ng Cambodia, ito ay napaka-prominenteng yamang tubig sa Cambodia at napapaligiran nito ang limang probinsya. Ang Tonle Sap ay itinuturing na isa sa mga pinakamalaking freshwater lake sa Asya, at, noong taong 1997, dahil ito ay isang ecological hotspot, idineklara itong biosphere na protektado ng UNESCO.

*Map from Wikipedia.
Kung tayong mga Pinoy ay tinanong kung ilang isla mayroon ang Pilipinas, binabalik natin ang tanong kung ito ba ay base sa high tide o low tide. Dito sa Cambodia, kung ako’y inyong tatanungin kung gaano kalaki ang lawang ito, tatanungin ko rin kayo ng “dry season o wet season“? Bakit kamo? Dahil ang Tonle Sap Lake ay may sukat na 2,500km2 at may lalim na isang metro lamang kung dry season. Subalit, kapag panahon ng tag-ulan o wet season naman, ang Tonle Sap ay lumalaki. Dahil sa tinatawag na reversal flow ng Mekong river na kung saan konektado ang Tonle Sap, lumulobo ang Tonle Sap, humigit-kumulang sa 16,000km2 at may lalim na umaabot ng 9m. Ang tubig galing sa Mekong ay tumutulak pabalik patungo sa Tonle Sap at umaapaw sa mga taniman ng palay at forests, tulad ng litrato sa ibaba:
Isa itong unique hydrological phenomenon sa Cambodia. Dahil dito, ganito ang itsura ng karamihan sa mga villages na nakapalibot o malapit sa Tonle Sap:
Ang litratong ito ay kuha sa Prek Toal sa Siem Reap noong nakaraang mga taon. Nagkataong rainy season ang pagbisita namin sa Prek Toal kung kaya’t inyong nakikita ay isang floating village. Kung dry season naman ang mga bahay na ito ay nakaupo sa mga mala-higanteng stilts. At kahit na taun-taon na sila’y napapaligiran ng tubig-baha, tuloy pa rin ang buhay para sa mga Cambodians…
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa Tonle Sap lake, maraming online resources ukol dito, tulad na lamang dito.
Read More>Photo Hunt #22: Candy

Photo borrowed from my other blog.
This is my favorite childhood treat, ampao, or rice crispies, in the Philippines. When I was a kid in the province, we seldom eat chocolates (they are expensive). Chocolates and other candies were a rare treat, and we usually had them only on Christmas, birthdays and other special occassions. Rice crispies, however,were our everyday treat. They are sweet and crunchy, sometimes sprinkled with peanuts and most of all, very affordable. It is rectangular in shape and because it is quite thick, one has to open its mouth wider than usual to have a bite of it.
Read More>Litratong Pinoy #3: Nag-aapoy (Fiery)

Sunset over the Gulf of Thailand
Kep, Kingdom of Cambodia
Ang nag-aapoy na Haring Araw, ito ang napili kong litrato na sa tingin ko ay angkop sa tema natin ngayong linggo. Kuha ito sa bayan ng Kep kung saan ako ay naka-base sa loob ng apat na buwan noong taong 2007. Ang Kep ay napapaligiran ng Gulf of Thailand, at sa aking opinyon, ito ay may pinakamagandang sunset sa buong Cambodia. Kung inyong pagmamasdang mabuti, naglalagablab pa rin ang araw sa kabila ng unti-unting pagdilim ng kalangitan, na para bang pinaglalabanan ang pagsaklob ng dilim sa sanlibutan.
Read More>Litratong Pinoy #3: Nag-aapoy

Sunset over the Gulf of Thailand
Kep, Kingdom of Cambodia
Ang nag-aapoy na Haring Araw, ito ang napili kong litrato na sa tingin ko ay angkop sa tema natin ngayong linggo. Kuha ito sa bayan ng Kep kung saan ako ay naka-base sa loob ng apat na buwan noong taong 2007. Ang Kep ay napapaligiran ng Gulf of Thailand, at sa aking opinyon, ito ay may pinakamagandang sunset sa buong Cambodia. Kung inyong pagmamasdang mabuti, naglalagablab pa rin ang araw sa kabila ng unti-unting pagdilim ng kalangitan, na para bang pinaglalabanan ang pagsaklob ng dilim sa sanlibutan.
Read More>Wordless Wednesday #38 Drunken stupor?
No, he’s not really drunk.
He borrowed the whiskey bottle from another table and gamely posed for this shot 🙂
He is Long Dimanche, our Coordinator in the Prey Veng Pilot Project site. Being the head of the team on this part of Cambodia, he does all the preparations making sure everything is ready when I arrive to conduct workshops and meetings. After days of working in and with the community, we, locals and ex-pat staff alike, share what the locals call a solidarity dinner. Everyone gets cleaned up, all dust washed away, puts on new clothes, and wear our best smiles looking forward to a fun night. Dinner is usually accompanied by loads of karaoke singing (all Khmer songs), dancing, and drinks.















Follow Us!